Two soldiers talk to Maute, save dozen of hostages

You might have probably knew about the heroism of these two soldiers during the Marawi war that killed hundreds of government forces and several hostages. Let us bring back the memories how did these two soldiers faced the gate of death just to save a dozen of hostages.

Their story of heroism must be told hundred times to remind us that we have great soldiers alive.

Here is the full story:

Nabasa niyo na sa diyaryo at napanuod niyo na sa TV, pero gusto ko lang i share ang kuwento ni Captain Jeff Buada (right, Company Commander 15th Scout Ranger Company) at Lt. Gerson Garcia (left, Company Commander 15 Div Recon Company) sa kanilang pag rescue ng hostages sa Marawi. In his own words, here we go: “Nakakaawa po ang sitwasyon ng mga hostages, Sir. Karamihan ay mga bata at kababaihan, marami sa kanila sugatan. Nakita namin ang kanilang tuwa nung nakita nila kami na ililigtas sila. May mga sumisigaw at umiiyak ng “tulungan ninyo kami!” Naramdaman natin na nawawalan na sila ng pag-asa. Pagod, gutom, takot at sakit ang araw-araw nilang kinaharap sa kamay ng mga kalaban.

Bilang Company Commander ng 15SRC, mahirap para sa akin ang tanggapin na nagkaroon kami ng 1 KIA at mahigit 40 na WIA sa halos araw-araw na labanan (mahigit 50 encounters) sa Marawi. Hindi maiiwasan sa mga sundalo na magkaroon nga galit at gustong makabawi.

Subalit noong nakita namin ang isang sugatang lalaki na gumagapang palabas sa isang building, nagpaalam ang tropa kong si Sergeant Sumalpong na tulungan at kargahin ito. Pumayag ako at sinamahan ko siya para buddyhan. Di namin inisip kung hostage ba iyon o terorista. Paglapit namin, dun namin nasumpungan kung gaano karami ang hostages kasama ang mga terorista sa loob ng ng building, gayundin sa magkalapit na building. Binaba ko ang aking baril at vest, tinaas ang aking kamay at sinabi ko sa kalaban, “Mag-usap tayo! Ilalabas natin at dadalhin lahat ng sugatan sa hospital. Hayaan nyo ring ilabas namin ang mga hostage.”

Yun lang ang tanging naisip kong gawin upang pagkatiwalaan nila ako. Ang mahalaga sa akin sa puntong iyon ay mailabas nang ligtas ang mahigit dalawampung hostages.

Inabot din ng mahigit dalawang oras ang negosasyon at pagkumbinsi sa kalaban na ilabas ang kanilang mga hostage. Lumapit na rin sa akin at nagbaba ng armas si 1Lt Gerson Garcia ng 15 DRC na siyang incharge sa area na yon upang samahan ako as a sign of goodwill. Lahat ng hiningi ng kalaban binigay namin. Sumisigaw sila noon na paatrasin ang mga tropang na nagsimula nang magkumpulan. Sumigaw naman ako na paatrasin ang mga tropa. Hiniling ng mga kalaban na patayin ang mga makina ng armor tanks para maging kampante ang mga war shock nilang kasamahan. Kapag nakakakita raw ang mga ito ng mga sundalo o nakakarinig ng tunog ng tangke at mga eroplano ay nag aamok at binabaril kahit sarili nilang kasamahan. Tinawagan ko ang mga nakatataas at hiniling na patayin ang makina ng mga tangke at ito’y pinagbigyan naman nila. Humiling din ang mga terorista ng mga tsinelas, pagkain at tubig na binigay naman namin. Sa kabuuan, mahigit limang oras ang inabot ng pakikipag-negosasyon at pagpapalabas ng mga hostages.

Noong nagkaroon kami ng pagkakataong mailabas ang mga hostages, hindi na kami nagdalawang isip na lumapit sa kalaban habang inaabot nila sa amin ang mga bata at mga kababaihan kahit alam namin na pwedeng may mangyaring masama sa amin o ito’y aming ikamatay. Nasa loob ng building at sa mga katabing building ang napakaraming terorista, umaabot sa mahigit trenta, karamihan sa kanila may mga baril.

Pinagtulungan namin ng mga tropa mula sa unit ko at sa unit ni Lt Garcia na ilabas ang mga hostages. Naka-alert din ang iba pang units para maka-react agad in case may mangyaring masama sa amin.

Natagalan lang yung paglabas ng mga hostages kasi kailangan nang buhatin gamit ang stretcher dahil hirap nang maglakad yung iba.

Habang nilalabas namin ang hostages, may mga kalaban doon na ayaw sa nakikita nilang kaganapan. Nagpaputok silang muli at nagpatuloy ang firefight. Naka-react din naman agad ang mga tropa at nakapag-cover kami at nakagapang palabas.” Silang dalawa ay awardee sa 67th Anniversary ng Scout Rangers sa 24 November.